Tangled

8:51 AM


  Sa entri ko ngayon ay bibigyan ko ng rebyu ang pelikulang Tangled, isang  3D computer-animated musical fantasy-comedy film na gawa ng Walt Disney Animation Studios. Ito ay base sa kuwento na isinulat ng Brothers Grimm na pinamagatang Rapuzel.
  Ito ay naiba dahil kumpara sa orihinal sa storya ang bidang lalaki ay isang prinsipe ngunit dito siya ay nag ngangalang Flynn Rider ito ang pangalan niya bilang isang kilalang kriminal ngunit ang totong pangalan niya ay Eugene Fitzherbert isang ulilang lubos. Sakaniya nag simula ang kuwento kung saan ninakaw niya kasama ang dalawa niyang kasabwat ang korona sa palasyo at sa kanilang pag takas mula sa mga kawal ng hari ay napadpad siya sa tagong tore kung saan itinatago ni Mother Gothel si Rapunzel.
  Si Rapunzel ang tunay na anak ng hari at reyna na kinuha ni Mother Gothel nung siya ay sanggol pa lamang dahil nalipat sakaniya ang kapangyarihan ng mahigawang bulaklak na siyang dahilan kung bakit hindi tumatanda si Mother Gothel. Labing walong taon ng nakakulong si Rapunzel sa tore at tuwing kaarawan niya ay nakikita niya ang mga lumilipad at kumikinang na ilaw sa kalangitan at ang tanging hiling niya ay makalabas upang mapag masdan ang mga ito ngunit sa takot ni Mother Gothel na malaman ni Rapunzel ang tunay niyang katauhan ay pinag babawalan niya itong lumabas at sinasabihan na ang mundo sa labas ay delikado. Ngunit ng dumating si Flynn sa kaniyang tore nagkaroon ng lakas ng loob si Rapunzel na lumabas upang matupad ang kaniyang pangarap.
 Lingid sa kaalaman ni Rapunzel na ang mga floating lights na pangarap niyang makita ay pinapalipad para sakaniya ng mga magulang niya na ang hari at reyna sa kahilingan maibalik ang nawala nilang anak. Sa kanilang paglalakbay matutuklasan ni Flynn na ang buhok ni Rapunzel ay may iba pang mas kakaibang katangian bukod sa pagiging kakaiba ng haba nito, ito ay may kapangyarihang humilom ng sugat at mag pabata at kasabay ng pagtuklas niya sa kakaibang kakayahan ni Rapunzel ay ang pag tuklas din niya sa kaniyang nararamdaman para sa dalaga.
 Ito ang isa sa mga paborito kong pelikula dahil bukod sa isa itong Disney Princess movie, ang mga kanta at ang takbo ng storya nito ay napakaganda. Hindi ako nakukuntento na panuorin ito ng isang beses lamang, kakaiba ang animation ng pelikulang ito sa mga nakakaraang lumabas at punong puno ng aral ang palabas na ito. Isang feel good movie lalo na kung isa din kayong Disney kid kagaya ko.

 Sa aking opinyon ay di lamang ito dapat panuorin ng mga batang babae kundi pati narin ng mga lalaki dahil tinuturuan tayo dito na pag tayo ay may pangarap dapat ay gawin natin ang lahat ng ating makakakaya upang makuha ito dahil paminsan ay dinadala din tayo nito sa tamang daan at ang ating buhay ay mas napapabuti. Bawat karakter dito ay tinuruan ako ng iba't ibang aral na ginagamit o maari kong gamitin sa buhay.
 Sisimulan ko kay Mother Gothel, itunuro ng karakter niya sakin na minsan may mga tao na handang gawin ang lahat para sa kanilang pangsariling kagustuhan, hindi nila iisipin ang kapakanan ng iba at hindi maiiwasan na makakilala tayo ng ganito sa ating buhay ngunit dapat ay magkaron tayo ng lakas ng loob na harapin ang mga Mother Gothel ng buhay natin, kailangan ay tumayo tayo at lumaban. Itinuro naman sa akin ng mga magulang ni Rapunzel na ang hari at reyna na kung mahal natin ang isang tao hindi natin ito susukuan. Sila ay di sumuko sa paghahanap kay Rapunzel, sa buhay hindi din tayo dapat sumuko sa paghahanap ng kabutihan sa ating mga mahal sa buhay, kahit na minsan ay naliligaw sila hindi dapat tayo mapagod. 
 Si Rapunzel naman ay tinuruan ako na hindi masamang sundin mo ang iyong pangarap lalo na kung alam mo na hindi ito makakasama sa iba at kung talagang ito ang sinisigaw ng iyong puso dahil minsan bukod sa pag tupad sa iyong maliit na pangarap may mas malaking surpresa ang kadikit nito. Si Flynn naman ang nag turo sa akin na kahit ano pa man ang nagawa nating kasalanan noon ay may taong handa tayong tanggapin at mahalin at kung ito man ang tamang tao para sa iyo ay mapapabago niya ang perspektibo mo sa buhay, mamahalin niya kung ano ka kahit ang mga masasamang bagay sa pagkatao mo at dahil sa pag mamahal niyang ito ikaw mismo ang mag babago para sa ikabubuti mo. Ang aral ni Flynn ang pinakanagustuhan ko at naikonekta ko sa buhay ko. Dahil sa storyang ito ay mas nagakaron ako ng koneksyon sa karakter niya dahil nakita ko ang sarili ko sakaniya at ngayon sa palagay ko ay nakita ko na ang Rapunzel ko, ang lalaking nakapagpatino sa akin at nakapag paayos ng tingin ko sa buhay. Tinulungan niya akong makita ang kabutihan sa sarili ko at ang laki ng pasasalamat ko dahil inilgtas niya ako mula sa sarili ko.
Itong pelikulang ito ang isa sa mga pelikulang alam ko na kahit ano pang edad ko ay gugustuhin ko itong panuorin at kung ako man ay magkaanak sa hinaharap ay ipapanuod ko din ito. Para narin sa mga babasa nito, ang mensahe ko sainyo ay panuorin niyo din ito dahil kung titignan niyo ang ibang perspektibo ng storya nito bukod sa katatawanan at nakakaindak na musika ay maiisip niyo din na ang dami nitong aral sa buhay na dapat natin lahat malaman upang maging mas mabuti tayong mga indibidwal.


You Might Also Like

0 (mga) komento

Popular Posts

Like us on Facebook

LSCA Psychology Society or @PsychSocLSCA

Follow me on Instagram

@panicpanicpanicpanicpanic