Moana

12:00 PM


 Si Moana ang pinakabagong Disney princess na ilalabas ng Walt Disney Animation Studios. Ito ay ang pang labing apat na Disney princess na sumunod sa sikat na magkapatid na sina Elsa at Anna na lumabas sa pelikulang Frozen. Si Moana ay ang kauna-unahang prinsesa na nakumpirmang hindi magkakaroon ng love interest sa pelikula. Kung noon lahat ng mga prinsesa ay nag hihintay sa kanilang mga prinsipe o kaya sa kanilang Knight in Shining Armor, ibahin mo si Moana. 

 Ang storya ni Moana ay mag sisimula sa paglalakbay ng mga mandaragat noon, tatlong libong taon na ang nakakalipas. Sila ay naglakbay sa lawak ng South Pacific kung saan nadiskubre nila ang iba't ibang isla ng Oceania, ngunit pagkatapos ng isang milenya ang kanilang mga paglalakbay ay bigla na lamang natigil- at walang nakakaalam hanggang ngayon kung bakit. (Moana | Disney Movies)

 Sina John Musker at Ron Clemets ang mga direktor ng pelikulang ito. Sila ay nakilala rin sa iba pa nilang obra tulad ng The Little MermaidAladdin, at The Princess and the Frog. Ipapalabas ang Moana sa Nobyember 30, 2016. Ito ang isa sa mga pinakahinihintay ng mga kagaya kong panatiko ng Disney franchise. Bukod sa magandang kuwento inaabangan din ang Moana dahil ito ang kauna-unahang Polynesian princess na ihahandog ng Disney at ito din ay mag tatampok ng bagong muka sa industriya ng showbiz, siya ay si Auli'i Cravalho. Ang dalagang mag boboses sa karakter ni Moana. Siya ay pinanganak sa Oahu, Hawaii at labinglimang taong gulang pa lamang. Muntik nang hindi mag audition si Auli'i para maging boses ni Moana dahil nawalan siya ng tiwala sa sarili dahil ayon sa kaniya ay marami ng magandang audtion na ipinasa sa Youtube, ngunit may isang ahente ang nakapansin sa kaniyang galing kung kaya naman ay sinabihan siya na mag audition at sumubok at siya nga ay sinuwerte at naging boses ni Moana. (Moana | Disney Wiki)

 Masaya ako sa mga nababalitaan ko tungkol sa bagong pelikulang ito, noon pa lamang unang lumabas ang balita na gagawa sila ng bagong prinsesa ay halos mag tatalon na ako sa tuwa ngunit nung nalaman ko ang ideya nila at konspeto lalo pa akong napahanga. Nakakatuwa na ang storya nila ay hindi na iikot lamang sa kuwento kung saan ang babae ay iniligtas ng isang lalaki, Ngayon ang babae na mismo ang mag liligtas sa sarili niya. Kahit na mayroon ng mga ganitong konsepto noon tulad ng storya nina Mulan at ng Frozen itong mga ito ay nag tampok padin ng mga love story kaya naman sa tingin ko ay mas magiging kapanapanabik ang kwento ni Moana dahil ito ay nakasentro sa kalakasan ng babae lamang. Matuturuan nito ang mga batang babae na hindi natin kailangan umasa sa mga lalaki para sa lahat ng bagay at na kahit tayo ay mga babae kayang kaya din natin ang mga ginagawa nila.

 Ako ay nasasabik na sa darating na pelikulang ito at handang handa na akong pumila sa araw na ipapalabas ito. Nakaplano na kung saan ako manunuod, kung kailan at kung sino ang kasama koat di na ako halos makapaghintay. Umaasa akong hindi ako mabibigo sa pag hihintay ko at sana ay mapantayan o di kaya ay mahigitan pa lalo nitong pelikula ang mga inaasahan ko. Kayo ba? Ano ang masasabi niyo sa pelikula ni Moana?

You Might Also Like

1 (mga) komento

  1. Coin Casino: Review 2021 - Bonuses, RTP & Games
    Coin Casino is a relatively new crypto casino to the world of online 바카라 사이트 gaming, 바카라 but it still 인카지노 has a relatively strong reputation. This Bitcoin online casino

    TumugonBurahin

Popular Posts

Like us on Facebook

LSCA Psychology Society or @PsychSocLSCA

Follow me on Instagram

@panicpanicpanicpanicpanic